Akala ko, okay lang ako kahit hindi na niya ako pansinin.
Akala ko kasi, okay lang ako kahit hindi na kaming dalawa yung laging magkadikit...magkasama.
Akala ko, kaya ko na siyang harapin at ipamukha sa kanya na okay na ako.
Akala ko kasi, okay na talaga ako.
Akala ko, kahit na magsisisigaw pa siya ng pangalan ng ibang babae, okay na lang ako...yung tipong, wala lang talaga sa akin.
Akala ko kasi, kaya kong hindi na sa akin umiikot ang mundo niya.
Iba na pala kapag andyan na sa harap mo yang mga pangyayari at mga bagay na yan.
Iba na pala pag ikaw na mismo ang nakakakita, nakakarinig, at nakakaramdam ng mga bagay na yan.
Napakalayo talaga ng akala at ng realidad, kasi sa huli, lahat ng mga inakala at sinabi ko sa sarili ko ay kinain ko ding lahat.