Monday, April 27, 2009

masamang panaginip.

sa cafeteria ng Carson High School,
may mga di kilalang lalaki ang nagsipasok.
mga holdaper ang loko.

kasama ko ang aking mga kaibigan.
sabi ko sa kanila kumalma.
sa pagiging kalmante namin, napansin pa rin kami.

hinablot ako, at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg, at hiningi ang gamit ko.
sabi ko naman wala akong gamit, nasa locker.
nagalit lalo ang loko at idiniin ang kutsilyo sa aking leeg.
nakita ko rin na tinutukan ng kutsilyo ang isa sa aking mga kaibigan.

naigising nalang ako bigla.
masakit ang leeg kung saan sa aking panaginip itinutok ang kutsilyo.
napansin ko rin na nakatigil aq sa paghinga ng ako'y nagising.

No comments: