Friday, March 2, 2007

.* a story

. story that i got from my friend's blog
. peram ah ^^.

Its been 4 months since I saw him and talagang namimiss ko na siya. Pero what can I do? It seems that I have loved the wrong person but still the pain keeps on hurting me and kung walang magbibigay ng gamot para dito sa nararamdaman ko baka mamatay na ko. To give you a background about my life, everything seems to be fine except dun sa time na dumating na sa buhay ko yung hinayupak na lalake na yon. Hehehe. Kung curious kayo about dun sa guy. Best friend kop o yun kaso lang iba na ang nangyari as time passes by..

Classmate ko siya nung high school. Pards pa nga tawagan namen. O di ba ang sweet? Di na ako iba sa kanya and ganon na rin siya saken. Kung di nga lang ako naging babae baka naiuwi na ako nun sa bahay nila and baka lahat ng gawaing pang brusko eh ipagawa na nun saken eh. Pero cyempre mukha pa rin naman akong babae noh?!!

High school siyempre may prom. Wala siyang date, wala rin ako. I know that he wanted to invite me to be his date pero ang ogag nga kasi nun kaya last minute tsaka lng siya nag-ask. He went to our house. Nakamotor po siya and medyo pawisan pero infairness. Mabango pa rin siya.

He ask my permission to see my dress for the prom. Siyempre para maloka siya sa akin at may konting surprise. I refuse. O sige na frustrate siya pero hindi yon naging hadlang para invite nya ko. Sa ganda ko na to. siyempre ang dami munang paecheng-echeng. Hanggang sa tanungin nya ako kung may date na ba me. E kung dib a siya abnormal eh. Papayag ba kong makipag date sa iba eh siya lang gusto ko. Lam mo yon? Sarap sampalin, so in short, papilit pa ba ako? Siyempre.

The night of my life came, I was so pretty sabe ng nanguuto kong nanay. Pero naniwala lang ako ng siya na ang nagsabi. Blush ako ever. Kahit alam kong maganda ako since birth.. hehehe. Iba pa rin yung sa kanya galing di ba?

We enjoyed that night and lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na mahal ko nap ala ang hinayupak na best friend ko. Syempre ano pa ba ang sunod na event ng prom kundi ang graduation. The night before the graduation, we talked on the phone na para bang it would be the last time na maririnig naming ang boses ng isa’t isa, ive waited for the moment na mabanggit niya na may feelings din siya and hindi naman ako nagkamali. Tinanong nya ko kung may possibility bang maging kame. I know na maiinis kayo sa akin dahil alam nyo ba ang sinagot ko? Ah.. eh.. hindi pwede kase best friends tayo eh. Ung mga anak na lang natin yung ipag-partner natin. Sa isip isip ko. Ang tanga! Pa no ko nasabi ang ganong words? Pero wala na akong magagawa. Alam namang bawiin ko pa eh di nahuli naman ako diba? Pero ang tanga ko talaga. Siyempre college na. im so proud to say na napunta naman ako sa magandang school and take note. Pareho kame ng skul. Ano to? kailangan bang ituloy ang naudlot na pagmamahalan namen. Hehehehe.

Nagka boyfriend ako for a year and a half. Minahal ko siya pero there are these conflicts and problems na di na kayang ayusin. In short. Nagbreak kame.

I guess God meant that to happen kasi yon yung time na nagkita kame ng best friend ko. Sa sobrang miss namen ang isa’t isa. Sabay na kameng umuwi, kumain, pumasok, im happy pero parang lalo ko lang pinahirapan and sarili ko dahil my feelings for that guy grows each and everytime we are together. Buti na lang magaling akong magtago and magpigil. Hehehe. Bilib kayo no? one morning, im so busy preparing my project that would be pass on that same day. Alam kong dumating na siya and nasa likuran ko na ang mokong pero dahil sobrang pressure sa project. Gusto ko man dambahan. Siyempre mamayang gabi na lang diba? Hehehe. Di ko sya masyadong napansin. May inabot siyang sulat sa akin and he asked if I he could join him sa lunch. I said yes. Then alis na siya alam naman kasi niyang I’m busy. When I was about to enter the room somebody bumped me and my precious project fell. Gusto ko mang magalet.what can I do dba? Instead I ask my prof to give me another chance to do my project. Naalala ko si mokong. The lunch date. Kinuha ko ang cell ko to text him that I cant come to our meeting. E kaso. Pag tinamaan ka nga naman ng malas, check operator services daw. I tried to look for friends or other kakilala pero malas talaga that day.

And so I took my lunch all by myself. Naalala ko yung letter. Hinanap ko sa bag.. WALA!! Bumalik me sa corridor praying na andon pa yung sulat. Wala rin. God!! Why?? Minsan nga lang magbigay ng sulat yon. Nawala pa. don’t know how to tell him about the letter.

And so days and weeks passed, pag nagkikita kami di nya ko pinapansin. Ako, I tried to talk to him pero alam kong may kasalanan ako pero ganon ba kalaki ang nagawa kong di pagpunta at ganon na lang ang iwas niya?. Sige. Hinayaan ko na lang.

Months na ang binilang. I heard that he was dating a girl from the same school that we are in. masakit. Na sa iba ko pa narinig na sila na. mas masakit na wala na akong halaga sa kanya.

Basta ilang araw din yon nag anon ang nararamdaman ko. Weeks, months. Gagraduate na po ako. I wonder what’s instore for me in the last day in school and so I thought na puntahan yung favorite hang out naming. When I was about to get near the place. I saw him with the girl.. umiiyak ung bruha but I cant hear what they are talking about. So ive decided to get out of that place before my tears burst out. And then a common friend and sumalubong sa akin saying na buntis ung girl. Siyempre. Durog na durog ang puso ko. Kung kaya nyo lang ma-imagine yung nararamdaman ko.

The night of that same day. Naloka ang lola niyo. Nagparamdam ang mokong pagkaraan ng pagkatagal tagal na panahon. I though it was something good for me. For us. Pero I was wrong. So wrong. He gave me a wedding invitation and isa ako sa bridesmaids. The girl. She was waiting in the cart. O diba? Dati motor lang ngayon.. car na.

And so the wedding came. Maganda po ako nun. Wala ng second emotion so naniwala na lang ako sa nanay ko. Then there was this professor who came to see me. He handed over a letter with my name carefully printed on the enveloped. He said that he lokked for the owner of that letter kaso lang po malaki po ans school naming kaya mahirap magkahanapan diba? And so nung nakita niya and name ko sa invitation, he decided to bring the letter thinking that it could save souls daw.

And so I was about to open the letter when the priest ask kung sino daw ang tututol. Deadma ako. Alam namang manggulo pa ko. Binasa ko na ang letter. Nakakatouch po talaga. He opened up his feelings for me.. hoping na meron din daw akong feeling for him. He ask that if I will show up to our hang out the next day after he gave his letter then it means that I also have feelings for him and that he would love me for the rest of our lives. But if I wont.. then he will never open the topic again. He pleaded to me n asana pumunta ko.

IF ONLY I HAVE THAT LETTER. IF ONLY I KNEW ABOUT IT. KUNG HINDI LANG AKO CLUMSY AND CARELESS TO KEEP THAT LETTER. THINGS WOULD BE DIFFERENT.. IF ONLY..

And so I heard the priest announced the couple as husband and wife. Ang sakit.. picture taking. Gusto mang sumabog ng nararamdaman ko. As you know. Magalang akong magpigil. Pero masakit po talaga. Sobra.

Afte the picture taking.. niyakap ako ng best friend ko.. ang higpit.. and teary eyed nya sinabe na..

I STILL LOVE YOU..


..*wtf nkkainis >_____<